My attempt to create a Tagalog poem because I got inspired from Hindi Tayo si Popoy at Basha. It’s raw and all, but hey! I’m no poet! I’m just a trying-hard writer striving to contribute something to the Internet world. 🙂

Ako si Ginny, at Ikaw si Marco

Ako si Ginny, at Ikaw si Marco

Ako ang pasimuno sa lahat ng ito

Akin ang unang ngiti, ang unang pagbati, at ang unang pag-anyaya

Akin ang unang pag-amin, ang unang pagsuyo, at ang unang pagtatanong

Ako si Ginny, at Ikaw si Marco

Para sa iyo ang pagsuyo

Para sa iyo ang mga tula, awit, at dasal

Para sa iyo ang mga guhit at plano na aking pinaghirapan

Para sa iyo ang walang hanggang pag aabang sa mga bulalakaw

Ako si Ginny, at Ikaw si Marco

Natuto ka, at ako ay inibig

Malayo man sa wangis ni Mama Mary,

Maingay man at mapagpumilit,

Ikaw at ako ay naging tayo.

Ako si Ginny, at Ikaw si Marco

Ako si Ginny dahil ako ang nang iwan, at ako din ang naghahabol

Ikaw si Marco dahil ikaw ang naiwan, at ikaw din ang binabalikan

Ako si Ginny dahil sa pagkatok ko sa pag-asa

Ikaw si Marco dahil ikaw ang nakahanap na ng makakasama.

Ako si Ginny, at ikaw si Marco

Ngunit hanggang kailan tayo ganito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s