Ang Funny ng Buhay

Ang funny ng buhay. Kung ano ang ayaw mo, minsan yun pa ang ibibigay sa’yo. Parang itong trabaho ko. Basa dito, basa doon. Sulat dito, sulat doon. Pero tanungin mo ako, gusto ko ba ito? Ang sagot ko sa’yo, hindi isang malaking oo. Kundi hindi, hindi, at isa pang hindi. 

Tandang tanda ko pa nung kolehiyo, halos kausapin ko na yung mga readings ko para sila na lang ang kusang pumasok sa isip ko. Naisip ko din na sana may USB port ang utak ng tao, lalo na yung akin, para kung may gusto akong malaman, di ko na kelangan magbasa. Pasok, copy, and paste na lang. 

Bokya din yung mga papers ko dati. Pero wag ka, nung high school palagi akong nanalo sa essay writing contests. Kaso nung college na, olats. Yung isa ko ngang teacher na itago nalang natin sa pangalang Being 4 at Beng 5, nagremark sa isa kong paper, “This is cliche. Walang iba. Walang dating. Pwedeng i-shred.” Tatawa tawa ako nun pero sa totoo lang gusto ko na lang maglaho. 

Di ako mahilig magsulat at magbasa pero ang kursong kinuha at tinapos ko, puro sulat at basa— BA Communication Arts. Naks! Tuwing may papers yung mga non-Comm Arts kong friends, pinapacheck nila sakin. Feel na feel ko naman. Yung thesis ng boyfriend ko dati (na ngayon eh asawa ko na hihi maisingit lang), ako din ang nagsulat at nagproofread. Again, feel na feel ko yun. 

Nagmuni-muni ako ng kaunti habang sinusulat ito. Inalala ko kung kelan ko ba narealize na ayaw kong magsulat at magbasa. Tapos napagtanto ko na nangyari pala yun pagkatapos ng first writing assignment ko sa Eng 2 nung 2006 first sem. Feel na feel ko yung assignment kasi descriptive ang tipo. Mega use of quotes ako at ellipses with matching expressions ng mga bagets. Pagbalik sa’kin, madugo. Duguan ang una kong paper. Duguan din ang puso ko. 

Sabi nga sa kanta ni Mareng Sheryl, “first cut is the deepest.” So, simula nun, waley na. Good bye na. Babasa na lang kung kailangan, at susulat na lang kapag nautusan. 

Pero gaya nga ng sabi ko, funny ang buhay. Tulad ngayon, habang sinusulat ko ito, may essay ako na binabasa (na isinang-tabi ko muna). Paano ba daw nagddrive ng change ang globalisation at social factors. Pagkatapos ko ito basahin, susulat na naman ako ng mga ideya kung paano mas magiging maayos ang essay nitong sender. Pagkatapos nito, may babasahin na naman akong bago. Tapos magsusulat ulit. Magbabasa ulit. Magsusulat ulit. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s